Untitled 2

Date: 9/1/2019

By AkoSiSam

Nag-aaral ako sa isang school at classmate ko si Jhustine. Uwian na yata noon at sa daanan yata may matandang babae sa gilid at may maliit at may kataasan na lamesa kung saan may nakapatong na parang dalawang mangkok na gawa sa kahoy. Kapwa may lamang parang tubig at inalok niya ako kaya naman tinikman ko 'yung isang mangkok sa kaliwa at nagsalita ang matandang babae at sinabi niyang maanghang iyon pero hindi naman ako naanghangan. Inalok din niya 'yung isang mangkok na tulad ng isa sa bandang kanan naman at tinikman ko iyon at nalasahan ko ang tamis nito. Iniwan ko lamang ito sandali at pagkabalik ko, nakita ko si Jhustine na iniinom 'yung matamis na tubig na nakalagay sa mangkok sa kanan. Para akong nanakawan at nanghinayang kaya nagtalo kami hanggang sa sinakal niya ako. 'Yung tubig na tinutukoy ko ay parang Juice. Uwian naman ng bigla akong sabayan ni Jade Millan sa paglalakad. Tinanong ko siya kung bakit absent 'yung dalawang kambal na Dumaliang at sabi niya may problema raw lalo na 'yung isa. Hindi ko alam kung sino sa dalawa pero sigurado akong isa sa kanila 'yon. About daw 'yon sa Birth certificate. May isa pang part ng panaginip ko na tumutulong ako sa matandang babae na nag-alok sa akin ng tila juice na nakalagay sa mangkok. Naghihiwa ako ng mga kasangkapan na hindi ko alam kung saan gagamitin. Parang kubo lamang ang tinitirahan ng matanda. Ang galing ko ngang maghiwa na tila ba isa akong expert sa paghihiwa ng mga iyon. Mabilis ko kasing nagagawa ang paghihiwa. May dumating na mga babae, dalawa yata o tatlo at alam kong kasamahan iyon ng matanda.